Pagdarausan ng kaliwa’t kanang kilos-protesta sa anibersaryo ng People Power Revolution, tukoy na ng PNP

Nakalatag na ang preparasyon ng Philippine National Police (PNP) para sa February 25, People Power Revolution anniversary.

Ayon kay Philippine National Police-Public Information Officer (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, tukoy na ng pulisya ang mga posibleng lugar na pagdarausan ng kaliwa’t kanang kilos-protesta.

Ani Fajardo, sa Metro Manila ay nasa 6,485 police personnel ang kanilang ide-deploy sa mga lugar na pagdarausan ng demonstrasyon.


Maging sa Cebu aniya ay nakahanda na ang kanilang mga tauhan upang magbigay ng seguridad kung saan nasa higit kumulang 2,500 police forces ang ipapakalat.

Sa ngayon, wala namang seryosong banta na namo-monitor ang PNP hinggil sa nalalapit na paggunita ng EDSA People Power Revolution.

Facebook Comments