Pagdating Bukas ng mga Kandidata ng Miss Earth sa Cauayan City Isabela, Pinaghahandaan!

112

Cauayan City, Isabela – Pinaghahandaan ngayon ng Incident Management Team ng Cauayan City ang inaasahang pagdating ng mga kandidata ng Miss Earth bukas, October 24, 2018.

Nagkaroon na ng pagpupulong kahapon ang mga miyembro ng IMT na kinabibilangan ng POSO, PNP, Rescue at CDRRMC para sa seguridad ng mga kandidatang bibisita sa lungsod ng Cauayan.

Inaasahan ang nasa tatlumpung kandidata ng Miss Earth ang dadalaw sa lungsod ng Cauayan kung saan ay unang lalapag ang mga ito sa airport at pupunta sa city hall para sa courtesy call kay Mayor Bermard Dy bago pumunta sa Hacienda de San Luis.


Sa panayam naman ng RMN Cauayan sa pinuno ng CDRRMC na si ginoong Ronald Viloria ay sinabi nito na katuwang din umano ang mga miyembro ng Police Regional Office sa gagawing seguridad.

Samantala, inaasahang aabot sa dalwampung sasakyan ang magiging convoy ng mga kandidata kaya’t inaasahan din umano ang trapik sa mga pangunahing lansangan patungong Hacienda San Luis.

Tiniyak naman ng IMT na panandalian lamang ang pagkakaroon ng trapik sa daan dahil sa maayos naman na umano ang koordinasyon ng mga ito sa pangangalaga ng trapiko.



Facebook Comments