Pagdating ng 15,000 doses ng bakuna ng Sputnik V ngayong araw, naantala dahil sa usapin sa logistics

Sinuspinde muna ang nakatakdang pagdating ng 15,000 doses ng bakuna ng Sputnik V mula sa Russia Gamaleya Research Institute.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, nakatakda sana ang pagdating ng mga bakuna ngayong araw, (April 25) ngunit dahil sa usapin sa logistics ay ini-usog ito sa April 28.

Gayunman sinabi naman ni Government Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na kasabay na ring darating ng 15,000 doses, ang 480,000 doses ng Sputnik V sa April 29.


Facebook Comments