Hindi matutuloy mamayang gabi ang pagdating ng 170,000 dose ng Sputnik V vaccines dahil sa logistical issues.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, wala pang tiyak na petsa kung kailan maide-deliver sa bansa ang nasabing mga bakuna.
Matatandaaang noong nakaraang buwan din ay naantala ang pagdating ng Sputnik V vaccine dahil sa pag-upgrade ng mga bakuna.
Una na ring ipinangako ni Russian President Vladimir Putin ang pagdadala ng mas maraming bakuna sa Pilipinas.
Facebook Comments