Isang regalo mula sa Diyos ang pagdating ng pananampalatayang Kristiyanismo sa Pilipinas.
Ito ang tinuran ni Cardinal Luis Antonio Tagle kasabay ng pagdiriwang ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa bansa.
Sa kanyang mensahe sa Banal na Misa sa St. Peter’s Basilica sa Roma, sinabi ni Tagle na isang regalo mula sa Diyos ang pagiging pangatlong pinakamalaking Catholic nation sa buong mundo ng Pilipinas.
Ang matatag na pananampalataya ng mga Pilipino ay bunga ng pagmamahal, awa at katapatan ng Diyos.
Ang regalong ito ay mahalagang naipapakalat sa iba pang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng milyo-milyong Filipino Christian immigrants.
Pinasalamatan ni Cardinal Tagle si Pope Francis sa pagiging bahagi ng selebrasyong ito.
Si Tagle ang kasalukuyang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.