Pagdating ng labi ng Pinay na namatay sa lindol sa Turkey, inaantabayanan

Inaantabayanan sa NAIA 3 ang pagdating mamayang alas sais ng gabi ng labi ng Pinay na kabilang sa mga nasawi sa lindol sa Turkey.

Ang labi ni Wilma Abulad Tezcan ay sasalubungin ng kanyang pamilya sa NAIA.

Ang labi ng Pinay ay sakay ng Turkish Airlines na umalis kaninang madaling araw sa Turkey.


Kasama sa flight ang anak ng nasabing Pinay.

Idederetso naman ang labi sa Lucena City kung saan ito ibuburol.

Facebook Comments