Pagdating ng mga inangkat na sibuyas, wrong timing ayon kay Senator Cynthia Villar

Ikinalungkot ni Sen. Cynthia Villar ang pagdating na sa bansa ng mga imported na sibuyas.

Sa kanyang pagdalo sa isinasagawang National Need Summit sa Quezon City, sinabi ni Villar na wrong timing ang ginawang pag-aangkat dahil kasalukuyan nang nagpapaani ng sibuyas ang mga magsasaka ng bansa.

Mas mainam umano kung tinutukan na lamang ng Department of Agriculture (DA) ang laban nito sa smuggling at mga nagho-hoard ng sibuyas.


Maaari nang mabili sa mga susunod na mga araw ang dumating na imported na sibuyas.

Aabot sa 16 na container na puting sibuyas at 32 container ng pulang sibuyas ang dumating nitong weekend at kasalukuyang dumadaan na ito sa second border inspection.

Hanggang sa Biyernes ay posibleng maibenta na ito sa merkado kung saan aabot ng hanggang ₱200 ang kada kilo.

Facebook Comments