
Inaantabayan na ang pagpapalit ng Hepe ng Philippine National Police (PNP).
Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Change of Command Ceremony sa Camp Crame para kay incoming PNP Chief PMGen Nicolas Torre III.
Maliban dito, magkakaroon din ng retirement honors para kay outgoing PNP Chief PGen Rommel Marbil.
Inaasahan namang magbibigay ng mensahe ang pangulo para sa PNP at magbibigay ng kanyang marching order.
Nabatid na si Torre ay miyembro ng PNPA Tagapaglunsad Class of 1993 at siyang ika-31 chief ng PNP.
Samantala, dumating na si outgoing PNP Chief Marbil at incoming PNP Chief Torre at inaantabayanan na lamang ang pagdating ng Pangulo.
Sa ngayon, mahigpit ang seguridad sa Camp Crame kung saan naka naka-lockdown ang lugar mula pa kaninang alas-7:00 ng umaga.









