Pansamantalang maaantala ang pagdating sa bansa ng karagdagang doses ng bakuna laban sa COVID-19 ng Sputnik V.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ngayong buwan dapat darating ang mga bakuna ng Sputnik V pero naantala ito.
Nakatanggap kasi aniya sila ng ulat mula sa kinatawan ng Russian direct investment fund na maatrasado ang pagdating ng mga bakuna dahil sa ongoing upgrades at development ng mga bakuna.
Agad namang nagpadala ng abiso ang National Task Force Against COVID-19 sa mga Local Government Units (LGUs) na nakapagbakuna na ng unang dose ng Sputnik V na ituloy pa rin ang kanilang schedule para sa ikalawang dose.
Bagama’t kasi aniya may delay sa delivery, tiniyak ni Galvez na hindi ito makakaapekto sa efficacy o bisa ng bakuna.