
Binatikos ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang pagdawit kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagkamatay ng negosyanteng si Paolo Tantoco.
Kumbinsido si Adiong na peke ang pinapakalat na report mula sa Beverly Hills Police, California na ginagamit para pilit na mai-ugnay ang unang ginang sa pagkamatay ni Tantoco.
Malinaw para kay Adiong na ito ay paninirang-puri at pagsasamantala sa isang personal na trahedya para lamang maisulong ang politikal na interes.
Bunsod nito ay nanawagan si Adiong sa publiko, lalo na sa mga aktibo sa social media, na maging maingat at makatao sa pakikilahok sa mga diskurso, lalo na kung may pamilyang nagdadalamhati.
Hinikayat din ni Adiong ang mga awtoridad na imbestigahan ang insidente at panagutin ang nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon.









