PAGDE-DECLOGGED SA MGA KANAL SA LUNGSOD NG DAGUPAN, PATULOY NA ISINASAGAWA

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pagde-declogged ng mga kanal sa lungsod lalo na sa mga bahagi kung saan nalulubog sa baha sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad o sakuna.
Kamakailan ay ginamitan ng vactron ang mga kanal sa bahagi ng Downtown kung saan nilinisan at tinanggal ang mga waste materials sa mga drainage canals nang sa gayon ay bumilis umano ang daloy ng tubig baha papalabas ng lungsod.
Regular na isinasagawa ang pagde-delogged gamit ang vactron sa Dagupan City para sa mas maayos na daloy ng tubig baha at mabawasan ang mga kalsadang nababaha tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.

Samantala, kasama naman sa pagsasagawa ng naturang declogging ang mga kawani ng lokal na pamahalaan kasama ang City Engineering Office. |ifmnews
Facebook Comments