Pagde-deploy ng Amerika ng warships sa bansa, ipinasisilip ng Kamara

 

Hiniling ng ilang mga mambabatas na silipin din ang patuloy na pagdedeploy ng Estados Unidos ng kanilang mga warships sa bansa.

 

Ang panawagan na ito ay kasunod na rin ng missile test ng China sa West Philippine Sea.

 

Giit ni Gabriela Rep. Arlene Brosas, nagpapanggap lamang ang Amerika na isang kaalyadong nagmamalasakit sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea at nakikisakay lamang sa sentimyento ng lahat laban sa Beijing.


 

Pero hindi aniya maitatanggi na patuloy pa rin ang US sa pagdedeploy ng kanilang missile launchers at combat ships sa ating teritoryo na direktang panghahamak sa soberenya at seguridad ng ating bansa.

 

Nito lamang weekend ay nagdeploy ang Amerika ng warship USS Montgomery sa karagatan sakop ng Davao City bilang pagpapakita ng suporta laban sa panghihimasok ng China sa bansa pero hindi man lamang nasilip ang on-board unmanned helicopters at missile launchers ng barko ng US.

 

Kasabay ng panawagan ay naghain din ang MAKABAYAN ng House Resolution 36 na nagpapatigil sa Visiting Forces Agreement at House Resolution 37 na nagpapabasura sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na kasunduan ng Pilipinas sa Amerika.

Facebook Comments