Iginiit ni Joint Task Force COVID Shield Commander, Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na ang pagde-deploy ng karagdagang pulis sa Cebu City ay makakatulong sa pagsunod ng mga residente sa quarantine protocols.
Ayon kay Eleazar, nagkaroon ng improvement sa compliance ng mga residente sa mga patakaran sa ilalim ng mahigpit na lockdown.
Aniya, mas maraming residente ang sumusunod sa mga health protocols mula nang mangasiwa sa COVID-19 response sa lungsod si Environment Secretary Roy Cimatu.
Una nang nilinaw ni Eleazar na ang karagdagang tropa sa Cebu City ay hindi maituturing na militarisasyon kundi pagpapalakas lamang ng police visibility.
Facebook Comments