Ipinag-utos ni Defense Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Delfin Lorenzana sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-deploy sa lahat ng kanilang military assets.
Ito ay para mapabilis ang paghahatid ng relief goods sa mga lugar na matinding naapektuhan ng Bagyong Odette.
Bukod dito utos niya rin ang pagde-deploy ng mas maraming tauhan ng AFP para matugunan ang mga pangangailangan ng Local Government Units (LGUs).
Humingi naman ng pang-unawa ang kalihim sa mga naapektuhan ng kalamidad at siniguro na ginagawa nila ang lahat upang maihatid ang kinakailangan tulong.
Sa ngayon, patuloy rin ang ginagawang assessment ng NDRRMC sa pinsala ng bagyo sa bansa.
Facebook Comments