Nanindigan si COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na malaking tulong ang presensya ng mga armored vehicles at uniformed personnel sa pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols.
Sa Laging handa public press briefing, pinawi ni Galvez ang pangamba ng publiko hinggil sa presensya ng mga armored personnel carrier sa mga lokalidad.
Ayon kay Galvez, walang masamang intensyon ang paglalagay ng mga ito sa mga lugar at hindi sila mananakot.
Base kasi sa kanilang obserbasyon, mas mataas ang compliance rate ng publiko kapag mayruon silang nakikitang dagdag na pwersa ng pulis at sundalo maging ng tangke sa kanilang paligid
Ginamit din nila ang taktikang ito sa Cebu City at wala naman aniya silang narinig na anumang negatibong komento hinggil dito, bagkus ay naging mabisang paraan pa para tumalima ang mga tao sa mga protocol kaya ngayon ay naibaba na ang kaso ng COVID-19 sa kanilang siyudad
Sa katunayan, dito sa Metro Manila may ilang alkalde narin ang humihiling na magdeploy ng dagdag na pwersa ng pulis at sundalo maging ng tangke sa kanilang nasasakupan upang sumunod ang mga pasaway at matitigas ang ulo sa ipinatutupad na quarantine protocols.