Pagde-deploy ng mga military medical teams sa mga ospital sa NCR plantsado na

Handa na ang pagpapadala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng military medical teams sa mga ospital sa National Capital Region (NCR) sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay AFP Surgeon General Colonel Fatima Claire Navarro, na base sa pakikipag-ugnayan nila sa Department of Health (DOH), karamihan sa hinihingi ng mga ospital ay mga nurse.

Dahil dito, naghanda ang AFP ng dalawang teams na bawat isa ay binubuo ng isang military doctor at limang military nurse.


Kung maaprubahan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Lunes, ang unang deployment ng medical team ng AFP ay sa St. Luke’s Medical Center.

Bawat team ay sasailalim sa RT-PCR test bago sila i-deploy at sakaling magnegatibo ang resulta ay 14 na araw silang naka-duty sa ospital na susundan ng 14 na araw na quarantine period.

Tatagal ng isang buwan ang deployment kasama na ang quarantine period at subject ito sa extension o reallocation ng DOH depende na rin sa kanilang evaluation.

Facebook Comments