Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology o DICT na sIyang nangungunang agency para sa emergency telecommunications cluster ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na patuloy silang magde-deploy ng satellite internet technology sa mga lugar na lubhang apektado ng Bagyong ‘Egay’.
Una nang nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati para sa mga residente ng Bangued Abra na magpapadala sIya ng satellite equipment para magkaroon ng komunikasyon sa mga malalayo at mga liblib na lugar ma matinding sinalanta ng bagyo nang sa ganun patuloy na malaman ang kanilang pangangailangan.
Ayon sa DICT, isang araw matapos ang pangako ng panguko agad na nakapag-provide ang DICT regional offices 1 at 2 ng satellite internet technology sa mga remote areas sa Sitio Bucarot, Adams, Ilocos Norte, at sa Barangay Balatubat, Camiguin Island, Calayan, Cagayan.
Nagsagawa naman ang DICT ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) sa Barangay Balatubat matapos ang pananalasa ng bagyo.
Nag install rin ang DICT ng Very Small Aperture Terminals o VSATs sa Bangued, Abra at Calayan, Cagayan para mas gumanda ang connectivity at matiyak na patuloy ang emergency communications.