Pagdedeklara ng Alert Level Zero, dapat munang pag-aralan ayon kay Legarda

Nanawagan si three-term Senator Loren Legarda na pag-aralan munang mabuti ang pagdedeklara ng Alert Level Zero.

Ito ay kasunod ng naunang pahayag ng Department of Health na sinisilip na ang posibilidad na ilagay sa Alert Level Zero ang bansa dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Sabi ni Legarda, mahalaga na pag-aralan muna ito ng mabuti ng pamahalaan dahil nakasalalay ang kaligtasan at kalusugan ng mga Pilipino.


Samantala, nagpaalala rin si Legarda na dapat pa ring mag-ingat ang publiko kahit bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments