Pagdedeklara ng General Community Quarantine sa NCR at ilang karatig lalawigan, isang “delicate balancing act” – NTF Against COVID-19

Isang “delicate balancing act” ang ginawa ng pamahalaan na pagdedeklara ng General Community Quarantine sa National Capital Region (NCR) at mga karatig na lalawigan kagaya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ito ang nilinaw ni National Task Force Against COVID-19 Spokesperson General Restituto Padilla kung saan itinanggi din nito na kasing-higpit noong nakaraang taon ang kanilang ipinatutupad ngayon na restrictions.

Sa interview ng RMN manila, sinabi ni Padilla na ang pagdedeklara ng NCR bubble ay upang mabalanse ang kalusugan at ang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya habang naghihintay tayo ng bakuna.


Dagdag pa ni Padilla, sa Metro Manila at mga karatig lalawigan kasi naiitala ang mataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw kung kaya’t ito ang kinakailangan para makontrol ang pagkalat pa ng virus sa ibang lugar.

Facebook Comments