Pagdedeklara ng localized state of health emergency, iminungkahi kasunod ng naitalang panibagong kaso ng polio

Kampante ang Department of Health (DOH) na mawawala ang polio oras na maabot ang target na 95% immunization coverage.

Sa harap ito ng pangambang dumami pa ang posibleng tamaan ng sakit matapos maitala ang ikawalong kaso nito sa basilan.

Sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na patuloy ang isinasagawang surveillance ng ahensya para mabantayan ang mga kaso ng polio sa bansa.


Kasabay nito, umapela ang DOH sa mga Local Government Unit (LGU) na makipagtulungan para mapanatiling malinis at malusog ang komunidad.

Kahapon nang simulan ng DOH ang ikalawang round ng sabayang patak kontra polio sa NCR at Mindanao na tatagal hanggang sa December 7.

Facebook Comments