Pagdedeklara ng Martial Law may mas malalim na dahilan ayon kay SolGen. Calida

Manila, Philippines – Binigyang diin ng pamahalaan na hindi lamang ang pagatake ng Maute Group ang naging basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdedeklara ng Martial law sa buong Mindanao.

Ayon kay Solocitor General Jose Calida sa briefing sa Davao City ay isalamang ang Marawi City incident sa mga naging konsiderasyon ni Pangulong Duterte sa pagdedeklara ng Martial Law.

Sinabi ni Calida na ang pinaka mabigat na dahilan ng pagdedeklara ng batas militar ay ang intelligence report na nagsasabi na may ugnayan umano ang Maute sa ISIS para maghasik ng terorismo sa bansa.


Mayroon umano kasing utos ang ISIS sa Maute na magtayo ng ISIS province sa mindanao at magsagawa ng pagatake laban sa gobyerno at mga estabilyimento sa mga pangunahing lungsod sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nagrerecruite din aniya ang Maute ng mga kabataas na isapang nakababahalang ginagawa ng teroristang grupo.
DZXL558, Deo de Guzman

Facebook Comments