Manila, Philippines – Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga grupong nanggugulo sa Mindanao na magdedeklara siya ng martial law sa lugar kung magpapatuloy ang kaguluhan doon.
Ayon kay Pangulong Duterte, huwag siyang subukan dahil kapag nagdeklara siya ng batas militar sa Mindanao ay siguradong tatapusin niya ang mga problema doon para wala nang iisiping problema ang susunod na henerasyon.
Kapag natapos na aniya ang problema sa Mindanao ay siguradong magkakaintindihan at makokontento na ang mga Muslim at Kristiano sa kanilang mga buhay dahil magiging progresibong lugar aniya ang Mindanao.
Binigyang diin ng Pangulo na huwag siyang pilipin na magdeklara ng martial law dahil kung gagawin aniya niya ito ay wala nang atrasan at tatapusin niya talaga ang problema sa Mindanao.
Matatandaan na ang problemang binabanggit ng Pangulo ay ang kaguluhan sa Mindanao dahil sa maraming terrorist group doon.