Pagdedeklara ng martial law sa Mindanao – pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinag-aaralan na nito ang posibilidad na pagdedeklara ng martial law sa Mindanao, partikular sa Sulu.

Sa press conference sa Davao City sa pagdating nito sa bansa mula sa china – sinabi ng Pangulong Duterte na nanawagan na sa kanya ang grupong save Sulu movements para isailalim sa batas militar ang anim na munisipalidad sa lalawigan na hawak ng Abu Sayyaf Group.

Ayon sa pangulo – kailangan niyang pag-aralang mabuti ang kanyang desisyon lalo nat hindi lang ito usaping politika kundi, isang emotional decision.


Pero, babala ni Duterte – kapag nagdeklara ng martial law, tatapusin nito ang lahat ng problema sa Mindanao.

Facebook Comments