Pagdedeklara ng national epidemic status dahil sa dengue, pinag-aaralan ng DOH

Pinag-aaralan na ng Department of Health ang pagdedeklara ng national epidemic status dahil sa dengue.

 

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa at pagdami ng mga rehiyong lumalagpas na sa epidemic threshold.

 

Pero bago ito ideklara, pagpupulungan pa aniya nila ito kasama ang National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC), at ng Office of Civil Defense (OCD).


 

Sa pinakahuling tala ng DOH pumalo na sa 146,062 ang kaso ng dengue sa bansa mula Jan 1 hanggang July 20, 2019 kung saan 622 na ang nasasawi.

Facebook Comments