Napipinto na ang muling pagdedeklara ng panahon ng tag-ulan matapos ihayag ng PAGASA-Dagupan na nakamit na nito ang mga kinakailangang batayan upang opisyal na ideklara ang naturang panahon.
Sa isang panayam, sinabi ni Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorological Officer ng PAGASA-Dagupan, na noon pang Abril ay naitala na sa lungsod ang sunod-sunod na 1 millimeter na ulan kada araw, na itinuturing na sapat na batayan upang iproklama ang simula ng tag-ulan.
Gayunpaman, nilinaw ng PAGASA na ang kondisyon ay natutugunan pa lamang sa Dagupan. Hindi pa ito maaaring ideklara bilang pambansang tag-ulan hangga’t hindi pa naaabot ang parehong rainfall pattern sa iba pang PAGASA monitoring stations tulad ng nasa Laoag City (Ilocos Norte), Science Garden (Quezon City), Bohol Island, Aurora, Calapan (Oriental Mindoro), Cebu, Davao, at iba pang lugar.
Samantala, sa kabila ng papalapit na tag-ulan, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga turista sa mga baybayin ng Dagupan upang sulitin ang natitirang mga araw ng tag-init.
Matatandaang noong nakaraang taon, Mayo 29 nang opisyal na idineklara ang pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments