Sarangani – Dahil sa matinding pinsala na dulot ng landslide noong Huwebes ng madaling araw sa Sarangani.
Pinag-aaralan ngayon ng Barangay Paraiso na magdeklara ng state of calamity kung saan higit nasa 2,000 residente nila ang apektado ng landslide.
Ayon kay Barangay Captain Norberto Palawan, higit na apektado ng pagguho ng lupa ang mga magsasaka kung saan aabot sa 50 hektarya ng sakahan ang apektado ng pagguho.
Sa ngayon – nadadaanan na ang kalsada papasok sa barangay matapos ang clearing operation.
Samantala – naibalik na rin ang suplay ng kuryente matapos maayos ang mga naputol na poste ng South Cotabato II Electric Cooperative Inc.
Facebook Comments