Pagdedeklara ng state of calamity sa buong Luzon, inirekomenda ng NDRRMC

Inaprubahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa state of calamity ang buong Luzon.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na paghagupit ng Bagyong Quinta, Rolly at Ulysses sa Luzon.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nagsagawa ang NDRRMC ng emergency meeting kanina at pinag-usapan ang rekomendasyong state of calamity sa Luzon.


Ito ay para matutukan ang epekto na iniwan ng mga magkakasunod na bagyo.

Sinabi pa ni Jalad na napag-usapan din sa pagpupulong na mag-convene ang Technical Working Group para sa gagawing joint prevention, mitigation at paghahanda ng mga clusters ng NDRRMC para i-assess ang sitwasyon ng mga dam.

Bukod dito, kailangan din muling bisitahin ang historical data para makapaghanda kapag may bagyo, gayundin ang tulong sa mga magsasaka, mangingisda at mga nawalan ng kabuhayan at tirahan.

Facebook Comments