Pagdedesisyunan pa lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rekomendasyon kung magdedeklara ng national state of calamity dahil sa pagkalat ng African Swine Flu (ASF).
Nabatid na naapektuhan ang supply at presyo ng pork products sa merkado dahil sa ASF outbreak.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, palaging ikinokonsidera ng Pangulo ang suhestyon ng mga mambabatas.
Ang plano aniya ngayon ay paramihin ang populasyon ng mga baboy at mabakunahan sila laban sa sakit.
Bukod dito, pinalalakas din ang pag-aangkat ng baboy mula sa iba pang lugar sa bansa.
Ang Senate Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Senator Cynthia Villar, inirekomenda nila kay Pangulong Duterte ang state of emergency.
Sa ngayon umiiral ang pirce ceiling sa pork at chicken products.