Pagdedeklara ng state of emergency sa Negros Oriental dahil sa pagpatay kay Gov. Degamo at walong iba pa, hindi suportado ng PNP

Hindi inirerekomenda ng Philippine National Police (PNP) ang pagdedeklara ng state of emergency sa Negros Oriental.

Pahayag ito ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., kasunod na rin ng panawagan ni Senator Imee Marcos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., na magdeklara ng state of emergency sa lalawigan matapos ang karumaldumal na pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Ayon kay Azurin, patuloy ang pagbabantay ng kapulisan sa lugar upang hindi na maulit pa ang naturang krimen kung saan may mga inilatag ng checkpoint.


Nagpadala na rin aniya ng PNP Special Action Force upang mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan at patuloy ang maigting na imbestigasyon ng Pambansang Pulisya kaugnay sa insidente sa tulong narin ng mga kaukulang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments