Ngayong araw ng Martes, patuloy pa ring makakaranas ng isang malamig na simoy ng hangin dulot pa rin ng Northeast Monsoon o hanging Amihan na nanggagaling sa Hilagang Silangan.
Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay Chief Meteorologist ng PAGASA Dagupan City Jose Estrada Jr., asahan ang maaliwalas na panahon ngayong araw ngunit sa pagpatak ng alas 10 ay unti-unti nang mararanasan ang init ng panahon o ang maalinsangan na panahon.
Aniya pa, pagpapatak naman ng hapon ay makakaranas na ng malamig na hangin at dito na rin magkakaroon ng mga cloud clusters o ang mga pulo-pulong kaulapan at makakaranas din ng light to moderate rains sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan.
Ayon pa sa kanya, base sa monitoring sa buong Pilipinas, ay mayroon umanong tatlong weather system ang kanilang binabantayan ang Shearline, Northeast Monsoon at Localized Thunderstorms.
Samantala ayon pa sa kanya, sa ngayon ay papasok-pasok pa umano ang hanging amihan ay asahan umano na sa ikalawa o ikatlong linggo ng buwan ng Marso na magkakaroon na ng pagbabago ng panahon.
Nagpaalala naman ang opisyal sa mga Pangasinense na sakaling susuong sa labas ay huwag kalimutang magdala ng mga pananggalang o magdala ng tubig para maiwasan ang dehydration o sunburn. |ifmnews
Facebook Comments