Ipinanunukala ngayon sa kongreso ang pagdedeklara sa Marso 15 bilang araw ng mga frontliner.
Ayon kay Agusan del Sur 1st District Representative Alfel Bascug, layon nitong bigyang pagkilala ang mga makabagong bayani na patuloy na lumalaban sa banta ng COVID-19.
Ipinaliwanag ni Bascug na napili niya ang petsang Marso 15 dahil ito ang araw na nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng state of public health emergency sa bansa.
Layon din aniya nitong alalahanin ang kontribusyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor na walang sawang nagseserbisyo sa bansa habang kumakaharap tayo sa krisis.
Sakaling maaprubahan ang House Bill 6397, hinihikayat nito ang lahat ng lider ng ahensiya ng pamahalaan at Local Government Units (LGUs) na makiisa sa mga isasagawang programa sa araw ng mga frontliner.