Pagdedeklara sa Monkeypox bilang international health emergency, sinisilip ng WHO

Inihayag ng World Health Organization (WHO) na magsasagawa ito ng emergency meeting sa susunod na linggo hinggil sa pagdeklara sa Monkeypox bilang public health emergency of international concern.

Ayon kay WHO Chief Tedros Ghebreyesus, ang nararanasang outbreak bunsod ng Monkeypox ay hindi pangkaraniwan at nakakabahala.

Nakatakadang magpulong ang Emergency Committee sa June 23 upang pag-usapan ito.


Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang WHO sa kanilang mga partners at mga ekpserto sa pagbago ng pangalan ng Monkeypox virus at ang mga sakit na idinudulot nito.

Sa ngayon, nasa 1,600 ang kumpirmadong kaso ng Monkeypox mula sa 39 na bansa kung saan 32 rito ay kamakailan lamang tinamaan ng virus.

Facebook Comments