Pagdedesisyon sa pagpapabakuna sa mga bata, hindi pwedeng agawin ng gobyerno sa mga magulang

Nagalit si Senador Imee Marcos sa inilabas na memorandum ng Department of Health (DOH) na nagsasaad ng otorisasyon ng gobyerno na isnabin ang paghingi ng permiso sa mga magulang kung mismong mga bata ang gustong magpabakuna.

Giit ni Marcos, hindi pwedeng agawin ng gobyerno ang parental authority.

Diin ni Marcos, may karapatan ang mga magulang na magpasya sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga anak.


Para kay Marcos, maraming dapat ipaliwanag ang DOH dahil Hindi ito ang unang pagkakataon na nakagawa ito ng mabigat na kasalanan sa publiko.

Pinaalala ni Marcos na noong nakaraang taon ay isang administrative order ng DOH ang humaharang sa mga manufacturer ng mga ‘sin product’ sa pagbili ng mga bakuna sa harap ng kapos na supply nito sa bansa.

Sabi ni Marcos, dapat ding ikonsidera ng pamahalaan ang pahayag ng World Health Organization (WIHO) sa iba’t ibang bansa na unahin munang makamit ang mataas na lebel ng pagbabakuna sa mga grupong nasa high risk bago simulang bakunahan ang mga batang edad lima hanggang 17.

Umaasa si Marcos na ang pagtutulak ng gobyerno na mabakunahan ang mga bata ay para sa kanilang kapakanan at hindi para isalba ang naunang binili nitong 15 million doses ng Pfizer vaccine.

Facebook Comments