Pinauubaya na ng Commission on Elections (Comelec) sa electoral boards ang pagdedesisyon kung palalawigin nila hanggang alas-8:00 ng gabi ang pagpapaboto sa mga nakapila pang mga botante.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, maaaring payagan ito kapag ang botante ay may distansya na 30 meters mula sa polling center.
Una nang humingi ng paumahin ang Comelec sa mga botante sa mahabang pila sa polling centers.
Ito ay dahil sa pinaiiral na health protocols sa mga presinto kung saan limitado lamang ang bilang ng mga botante na pinapayagang makapasok sa polling center para mapanatili ang social distancing.
Bukod pa ito sa pagkuha ng body temperature sa mga botante bago payagang makapasok sa presinto.
Facebook Comments