Pagdeklara ng ‘endemic’, kailangan pa ng mahabang panahon – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kailangan pa ng mahabang panahon at masusing ebalwasyon sa pagdedeklara ng “endemic” sa isang lugar.

Kasunod ito ng pahayag ng OCTA Research group na maaari ng ideklarang endemic ang Cebu City na nakakapagtala na lamang ng 15 na bagong kaso ng COVID-19 kada araw.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagdedeklara ng endemic o yung pananatili ng sakit sa populasyon ng isang lugar ay kinakailangan pang isangguni sa World Health Organization (WHO).


Aniya, ang pagdedeklara ng Pilipinas ng endemic sa ibang sakit tulad ng malaria ay pinagtuunan ng tatlo hanggang limang taon na obserbasyon.

Maliban dito, mayroon din aniyang criteria na ginagamit para masabi na epidemic ang isang lugar sa isang sakit.

Iginiit din ni Vergeire na maaring maging kampante na ang ating mga kababayan kapag narinig na ang COVID-19 ay endemic.

Hanggang sa ngayon kasi aniya ay marami pang COVID-19 variants na patuloy na mino-monitor.

Facebook Comments