Manila, Philippines – Nagbunyi ang mga Internally Displaced Person o IDPS matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na mula sa teroristang grupo Ang Marawi City.
Ayon kay Zoraida, isang bakwit na nasa evacuation center sa Brgy Sta. Elena, sa lungsod ng Iligan, na sabik na silang makauwi sa kanilang lugar sapagkat mahigit limang buwan din ang kanilang pamamalagi sa evacuation center nang sumiklab ang kaguluhan sa Marawi City.
Ayon naman kay Amir, sa nasabing evacuation din na sana ay nasa maayos pa rin ang kanilang tahanan sa kabila ng bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute ISIS.
Pinasasalamatan nila ang mga sundalo na siyang nagbuwis buhay para hindi sakupin ng teroristang grupo na Maute ISIS ang kanilang pinakamamahal na siyudad.
Idineklara ni Pangulong Duterte kahapon na malaya na ang Marawi City kasunod ng pagkamatay noong lunes ng madaling araw sa dalawang lider ng Maute ISIS na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.