
Iginagalang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naging desisyon ng Korte Suprema para pagtibayin ang pagiging unconstitutional ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, inirerespeto ng Pangulo ang pasya ng Kataas-taasang Hukuman bilang huling takbuhan pagdating sa mga legal na isyu.
Hindi rin daw makikialam si PBBM sa plano ng Kongreso sakaling baguhin ang rules pagdating sa impeachment.
Sa kabila nito, binigyang diin ng Palasyo na hindi paglilinis o vindication ang naging hatol ng Supreme Court kundi dahil lamang sa mga technicality kaya hindi nakausad ang impeachment.
Idineklara ng Korte Suprema ang articles of impeachment laban kay VP Sara dahil sa pagkabigong aksyunan ang unang tatlong complaint at sa paghahain ng ikaapat na labag sa one-year bar rule.










