Manila, Philippines – Dismayado ang mga opisyal ng Barangay sa Lungsod ng Maynila sa pasiya ng Korte Suprema na nagdedeklarang unconstitutional ang curfew ordinance sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Brgy Kagawad Rene Maliwat ng Brgy 822 zone 89 5th district, hindi napanindigan ng mga barangay sa Maynila ang magandang idinulot ng curfew sa mga menor de edad para sa kanilang kaligtasan.
Hindi aniya tulad sa Quezon City na mayroong sariling ordinansa sa implementasyon ng curfew.
Aniya malaki ang naitulong ng curfew sa kanilang barangay pagdating sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang barangay.
Ang nakikita ni Maliwat dito ay nangilag ang Barangay na banggain ang mataas na korte .
Ayon sa SC,nabigo ang lokal na pamahalaan na maglatag ng least restrictive means para hindi gaanong makompromiso ang constitutional rights ng mamamayan, partikular na ng mga kabataan, gaya ng right to liberty.
Pinuna pa ng Korte Suprema ang parusa na ipinapataw ng Maynila sa ilalim ng curfew ordinance na nagtatakda ng multa at pagkabilanggo sa mga menor de edad dahil sunasagasa ito sa Juvenile Delinquency act o RA9344.