Manila, Philippines – Binigyang diin ng Malacañang na maliit na porsyento lamang ang posibilidad na magdeklara ng revolutionary government si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kasunod ng panawagan sa social media ng ilang taga – suporta ng pangulo na ipatupad na ang revolutionary government.
Ayon kay Roque, hindi niya nakikita ang pangangailangan ng pagdedeklara ng ganitong uri ng pamamahala dahil malinaw naman na nanalo sa malinis na halalan ang pangulo.
Sinabi lamang ng Pangulong Duterte ang posibildad na pagdedeklara ng revolutionary government, kung hindi titigil ang mga black propaganda ng kanyang mga kritiko para patalsikin siya sa puwesto.
Facebook Comments