Iligan City – Nagbunyi ang mga Internally Displaced Person o IDPs matapos ideneklara kahapon ni Presidente Rodrigo Duterte na Malaya na mula sakamay ng mga teroristang grupo ang Marawi City.
Ayon kay Soraida, isang bakwit na nasa evacuation center ng Barangay Santa Elena dito sa lungsod ng Iligan na sabik na silang makauwi sa kanilang lugar sapagkat mahigit limang buwan din ang kanilang pamamalagi sa evacuation center nang sumiklab ang kagulohan sa Marawi City.
Ayon naman kayAmir, na sa nasabing evacuation center dinna sanay nasa maayos pa rin ang kanilang tahanan sa kabila ng bakbakan sapagitan ng militar at ng mga Maute-ISIS.
Pinasasalamatan nila angkasundalohan na siyang nagbuhis buhay para hindi sakupin ng mga teroristanggrupo na Maute-ISIS ang kanilang pinakamamahal na syudad.
Ideneklara ng pangulong Duterte kahapon na Malaya na ang Marawi Citykasunod ng pagkamatay noong lunes ng madaling araw sa dalawang lider ngMaute-ISIS na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.(Ghiner L. Cabanday, RMNIligan)
| | Virus-free. www.avast.com |