Balak nang tapusin ng World Health Organization (WHO) ang pagdeklara sa COVID-19 bilang isang global health emergency.
Sa isang forum, sinabi ni WHO COVID-19 Technical Lead Dr. Maria Van Kerkhove na may ilang bansa na ang naka-manage sa COVID-19 at mapaliit ang namamatay dahil dito.
Ngunit iginiit din ni Kerkhove na marami pang kailangan asikasuhin bago ito maisakatuparan.
Lumabas sa pinakahuling ulat ng WHO na umakyat sa 9,000 ang nasawi dahil sa COVID-19 nitong October 3 haggang 9, mas mataas sa naitalang 8,300 deaths sa sinundang linggo.
Unang idineklara bilang Public Health Emergency of International Concern ang COVID-19 noong 2020 matapos magkaroon ng outbreak nito sa Wuhan, China at kalaunan ay kumalat sa buong mundo.
Samantala, inihayag din ng WHO official na maaaring kailanganin ng karagdagan pang doses ng COVID-19 vaccine sa mga susunod na pagkakataon kahit pa matapos ang emergency para rito.