
Isinusulong sa Kamara ng Akbayan Reform Bloc na ideklara bilang regular na national holiday ang February 25 o ang 1986 People Power Revolution.
Nakapaloob ito sa House Bill No. 7911 na inihain nina Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, Perci Cendaña, Dadah Kiram Ismula at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.
Inaatasan ng panukala ang National Historical Commission of the Philippines bilang lead agency sa pag-organisa ng mga aktibidad sa buong bansa na magpapanatili at mag-iingat sa diwa ng EDSA People Power.
Diin ni Congressman Diokno, ang February 25, 1986 ay hindi lamang petsa kundi kasaysayan para kilalanin ang mapayapa at hindi marahas na pag-aalsang nagtapos sa Marcos dictatorship at nagpalakas sa umiiral na demokrasya sa ating bansa.
Ayon kay Diokno, ang pagsasabatas sa Selebraryon ng EDSA People Power Day ay nagpapatibay sa lakas ng kapangyarihan ng mamamayan sentro ng national identity.










