Pagdeklara sa NDF bilang terrorist organization, mauuwi sa pagkontrol ni Duterte sa eleksyon – Sison

Magagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na kontrolin ang 2022 elections.

Ito ang sinabi ni Communist Leader Jose Maria Sison matapos italaga ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang National Democratic Front (NDF) bilang terrorist organization.

Sa statement, sinabi ni Sison na ito ay hindi makatwiran at kahina-hinala.


Nais aniya ni Pangulong Duterte na manatili sa kapangyarihan kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Mapipigilan din nito ang pag-aresto sa pangulo para sa crimes against humanity na maaaring ilabas ng International Criminal Court (ICC).

Patunay lamang ito na malabo nang ibalik ang peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at ng NDFP.

Layunin din nito na patahimikin, arestuhin o paslangin ang mga NDFP consultants at resource persons at iba pang lumahok sa peace talks.

Pangamba pa ni Sison na baka mauwi ito sa pagdedeklara ng martial law at fascist dictatorship.

Facebook Comments