Pagdeklara sa Pampanga bilang Culinary Capital of the Philippines, isinulong sa Kamara

Sa pangunguna ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ay isinulong ng Kapampangan lawmakers na maidekalara ang kanilang lalawigan bilang “Culinary Capital of the Philippines.”

Nakapaloob ito sa inihain nilang House Bill 10014 na layuning makapagbigay ng kabuhayan sa mga Kapampangan sa pamamagitan ng pagpapakakas sa gastronomic tourism ng probinsya.

Para makuha ang suporta ng mga kasamahang mambabatas ay nagdaos pa sila ng food exposition sa Kamara nitong nakaraang linggo upang ipakita ang cultural heritage ng Kapampangan food at ang ambag nito sa national culinary identity ng Pilipinas.


Ilan sa mga ibinadang pagkain ay sisig, kilayin, bistig baka, lagat puso, morcon, adobong pata, pako salad, pindang damulag at iba pa.

Bukod kay Arroyo, may-akda rin ng naturang panukala sina Pampanga Representatives Anna York Bondoc, Carmelo Lazatin II at Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr.

Facebook Comments