Pagdeklara sa QC bilang election hotspots premature – Vice Mayor Belmonte

Quezon City – Hindi sang ayon si Quezon City acting Mayor Joy Belmonte sa rekomendasyon ni Bagon Henerasyon Partylist Bernadette Herrera na isama ang Quezon City sa listahan ng election hotspots sa bansa matapos ang pagpatay kay Barangay Bagong Silangan Chair Crisell “Beng” Beltran.

Sinabi ni Belmonte na premature ang panawagan na ituring na election hotspot ang lungsod dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pag-ambush sa kapitana.

Paliwanag ni Belmonte hindi pa dapat ituring na politically-motivated ang kaso dahil may iba pang mga anggulong tinitingnan ang polisya habang umuusad ang imbestigasyon.


Nanawagan naman si Belmonte sa publiko na manatiling mapagmatiyag dahil naniniwala siyang maaaring abusuhin ng mga masasamang loob ang eleksyon upang gumawa ng iba’t ibang krimen at isisi ito sa politika.

Nangako naman ang acting mayor na sisiguruhin niyang ito na ang huling insidente ng election-related killing sa lungsod at patuloy na makikipagtulungan ang pamahalaang lungsod sa polisya upang mapigilan ang mga insidente ng election-related violence.

Facebook Comments