Pagdeklarang persona-non-grata sa mga miyembro ng ICC, hindi na kailangan – ICC

Iginiit ng malakanyang na hindi na kailangang ideklarang persona-non-grata ang mga miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Ito ay matapos ang desisyon ng ICC na imbestigahan ang umano’y mga pagpatay sa Davao at ang war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, maaaring hindi na magtungo sa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC dahil na rin sa banta sa COVID-19.


Muli namang nanindigan ang palasyon na hindi ito makikipagtulungan sa imbestigasyon dahil kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statue.

Facebook Comments