Pagdeklarang special non-working day ng 3-day National Vaccination, pinag-aaralan na ng Malacañang

Pinag-aaralan na ng Malacañang ang rekomendasyon ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ideklarang special non-working day ang tatlong araw na National Vaccination Day sa November 29 hanggang December 1, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inaasikaso na ng Office of the President ang mungkahi ni Galvez at iaanunsiyo ito sa sandaling magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung sakaling maaprubahan, ang November 29 at December 1 lang ang idedeklarang special non-working day dahil ang November 30 ay Bonifacio Day na legal holiday.


Kasabay nito, muling nanawagan si Roque sa publiko na samantalahin ang tatlong araw na National Vaccination Day para mabilis na makamit ang population protection sa bansa bago mag-Pasko.

Facebook Comments