Pagdeploy ng mga tracker team, ikinasa ng DILG sakaling bawiin ang mga release order ng mga nakinabang sa GCTA

Ikinakasa na ng Department of the Interior and Local Government ang pagdeploy ng tracker sa sandaling bawiin na ang mga release order ng mga nakinabang sa Good Conduct Time Allowance o GCTA law.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kumpiyansa siya na madalian lamang ang paghahanap sa mga ito dahil magkakaroon naman ng tracker teams.

Hindi na aniya mangangailangan ng warrant kapag ki-nancel ang mga release order at tuloy-tuloy na ang pag-aresto sa mga fugitive inmates.


Para kay Año, mas makabubuti kung ang mga nakagawa ng heinous crime at mga pinuno ng drug syndicates ay maibalik sa kulungan.

Kinakailangan aniya na matukoy kung sino-sino ang mga ito dahil maituturing silang mapanganib.

Abot sa 1,914 inmates mula sa 22,049 inmates na makikinabang sa Republic Act 10592 ay convicted sa mga karumal-dumal na krimen.

Facebook Comments