Pagdetalye Ng Kamara Sa Sex Video Ni De Lima, Ikinadismaya Ng Isang Senador

11

MANILA – Ikinadismaya ni Senador Risa Hontiveros ang pagdedetalye sa House of Representative hearing ng laman ng umanoy sex video ni Senador Liela De LimaAyon kay Senador Hontiveros, bagamat hindi nga aktwal na ipinalabas ang video ay paglabag pa rin sa batas ang pagdetalye sa nilalaman nito .Sabi ni Hontiveros, hindi sya magsasawang kondenahin ang ginagawa ng kamara na paglaban sa dignidad at karapatang pantao ng kababaihan tulad ng ginagawa nila kay Senator Delima.Ipinaalala din ni Hontiveros ang resolusyon na ipinasa ng Senado na nagpapahayag ng kanilang sentemyento laban sa anumang hakbang ng Kamara na salungat sa pagtataguyod ng respeto sa mga kababaihan.Ipinunto pa ni Hontiveros na ang naging hakbang ng kamra ay paglabag sa tradisyon na Inter Parliamentary Courtesy ang kanilang umanoy nilalapastangan ay miyembro ng mataas na kapulungan.

Facebook Comments