Muling ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa mga pulis na iwasang mag-display ng mga campaign material ng mga kandidato sa mga kampo at sasakyan ng PNP.
Kasunod ito ng nalalapit na pagtatapos ng filing ng certificates of candidacy (COC) sa October 8, na inaasahang simula ng pagsulpot ng mga poster at sticker ng mga kandidatong maagang mangangampanya.
Ayon kay Eleazar, kailangang mapanatili ang pagiging apolitical ng PNP, kaya hindi dapat magpakita ang mga ito ng partikular na suporta sa mga kandidato.
Bagama’t naman may “grey area” ang isyung ito ay pagsisikapan ng PNP na i-isolate ang kanilang hanay sa partisan politics.
Una na ring ipinag-utos ni Eleazar, ang pag-account sa lahat ng mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa halalan para sa posibleng re-assignment sa labas ng lugar ng kandidato.